Huwebes, Agosto 11, 2016

Ang Kwento ng Buhay


Lahat ng bagay sa mundo may pinagmulan. Lahat ng bagay na nangyayari sa mundo may dahilan. Lahat ng bagay na naririnig mo may pinanggalingan. Tulad ng isang pelikula, lahat ng bagay sa mundo may kwento. Ngunit, masasabi mo bang lahat ng kwento sa mundo ay may katotohanan?
Ang simpleng tao ay tulad ng isang sikat na artista sa pelikula. Siya ang aktor na gumaganap sa buhay ng bida. Ang mga taong malapit sa kanya ay ang mga sumusuportang artista. Sila ay maaring pamilya, kaibigan o kakilala ng bida. Siyempre, walang tao na walang kaaway o kinaiinisan sa buhay at sila ang mga kontrabida sa kwento. Sa buhay ng tao, hindi maaaring walang gusot na magaganap. Ito ang mga bagay na kailangang maresolba upang makamit ng bida ang nais niya. Ngunit, hindi lahat ng kwento na ating naririnig o nababasa ay totoo. Madalas kalahati noon ay dinagdagan na lang. Parang sa isang iskrip, adlib lang. Likas sa tao ang nakikialam sa buhay ng iba. Parang isang humahanga sa isang iniidolo. Kinakailangan laging alam mo ang nagyayari sa idol mo. Sa reyalidad, ang mga taong ito ay ang mga mahilig makitsismis na tungkol sa iyo. Sila yung mga taong sinisiraan ka dahil inggit sa iyo o nais kang bumagsak sa buhay. Dahil sa sikat ka, madalas magugulat ka na lang at may kwento na palang bago tungkol sa iyo. Matatawa ka na lang at maiinis dahil kung ang narinig mo ay pawing kuru-kuro lang. Ngunit, alam mo yung masakit? ‘yung mga taong sumusuporta sa iyo ay naniniwala sa mga sinasabi ng iba. Ang masaklap pa hindi ka pinapakinggan. Dahil para sa kanila mas tama at totoo ang naririnig nila. Ayon sa nabasa ko, may tatlong klase ng kwento. Una ang kwentong mula sa iba na may kaunting impormasyon, ang kwentong mula sa iyo at ang totoo. Walang hindi totoo sa tatlo, ngunit magkakaiba ng paglalabas ng impormasyon sa ibang tao. Kailangang alamin mo muna ang panig ng tatlong ito bago ka magpasya kung ano ang talagang totoo. Dahil ang ‘di tamang paghusga ay maaaring maging dahilan ng hindi pagkakaintindihan sa pamilya, kaibigan o sa karelasyon.
Hindi lahat ng nakikita o naririnig ay tama. Hindi lahat ng kwento ay totoo. Pwede mong pakinggan lahat pero hindi dapat lahat paniniwalaan mo.  Sabi nga nila, “mag-ingat sa pagbibitiw ng mga salita, dahil ang bibig ay walang kasamang pambura.”



“Dont believe in everything you here or you see,there are always three sides to every story. Your’s, theirs, and the truth.”- Anonymous

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento